top of page

Acerca de

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

URAS NA PARA BUSOG PROGRAM

004.jpg

Prayoridad ni pangulong Ferdinand Bongbong Marcos ang pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas. Masusing pinili kung sinu-sino ang  economic managers at cabinet members ng kanyang administrasyon. May mga itinalaga na sa sektor ng pagnenegosyo kabilang na riyan ang pagsuporta  sa micro, small and medium enterprises o MSMEs na higit na nakatulong sa pagbangon ng ekonomiya sa kabila ng mga hamong dala ng Covid-19 pandemic.

Subalit hindi lamang mga nasa business community ang dapat na bigyan-pansin dahil ang sektor ng turismo at agrikultura ay ikinukonsidera ring backbone ng ating ekonomiya.

Sumigla ang turismo sa bansa dahil sa pagluwag ng health restrictions laban sa Covid-19. Muling dinagsa ng mga turista ang ibat ibang tourist destinations. Ngunit kaakibat nyan ay ang demand sa mga local at food products na inaasahan ng mga turista. Dahil diyan, importante na mapanatili ang produksyon ng mga ito.

Yan ang adbokasiya ngayon ng BBM-SARA Movement o Bansang Busog ang Mamamayan, Saganang Agrikultura Ramdam sa Atin Movement. Ayon sa BBM-SARA Movement founder na si Vic Brozas, “we are what we eat and food is agriculture”. Mga produktong masustansya ang dapat bilhin at kainin  para sa isang  busog at malusog na mamamayan. Hindi maisasantabi rito ang mahihirap na pamilyang pilipino lalo na ang mga nasa rural areas  dahil sa “Uras na para Busog” program.

Sa naturang programa ay makikipag-ugnayan ang mga nasa urban areas sa mga nasa rural population. Produksyon at kabuhayan ang kapalit nito. At upang mapadali ang sistema, may ginawang online transaction at ito'y tinawag na Busognomics Mobile App kung saan malaya kang makapamili ng fresh delivery goods.​ Maaaring gumamit ng B-coin para sa pagbili ng produkto sa pamamagitan ng Busognomics app. Mayroong yamang lupa, yamang tubig at iba pang likas na yaman ang bansang pilipinas. Gamitin at trabahuin natin ito dahil gusto natiing busog at malusog ang bawat pamilyang Pilipino hindi lamang ngayon kundi maging sa mga susunod pang henerasyon.

bottom of page