Napanatili ng Bagyong Ofel ang kanyang lakas habang papalapit sa kalupaan.
Sa datos ng PAGASA, huli itong namataan sa layong 485 km East Northeast ng Daet, Camarines Norte o 610 km East ng Infanta, Quezon.
Posibleng mag-recurve ang Bagyong Ofel subalit inaasahang maglandfall pa rin sa Cagayan o Isabela area.
Paliwanag ng weather bureau sa sunud-sunod at malalakas na bagyo ay dahil sa hindi pa pag-iral ng Hanging Amihan.
Kung nagkaroon ng Amihan, may posibilidad na mababago ang track ng bagyo at mas mababa ang tsansang pumasok sa PAR ang mga bagyo.
Tumatama rin sa kalupaan o malalakas na bagyo ang nararanasan dahil malakas ang high pressure habang papalapit ang La Nina.
Sa monitor ngayon ng PAGASA, posibleng sa 2nd half ng November mag-aanunsyo ng Amihan.
Comentarios