𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍:
Lumagda sa isang Memorandum of Cooperation ang Republic of Croatia at Pilipinas para sa proteksyon sa mga Filipino worker abroad.
Ang naturang bilateral agreement ay pagpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa na naayon sa karapatan at tungkulin ng mga Filipino worker sa Croatia.
Mapapaigting din ang oportunidad para sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa Croatia kabilang ang manufacturing, hospitality at tourism.
Nagkaroon na ng pagtalakay para sa special hiring program sa mga Filipino caregiver sa ilalim ng government-to-government framework.
Ayon sa DMW, magbubukas ang 18 senior care facilities at umaasang may Filipino caregivers na magtatrabaho doon kung saan nangangailangan ng 500-1000 caregivers.
Commentaires