Ang “The Fields of Gold” sa Jayobo Farm School sa Labunao, Iloilo ay isa lamang sa mga paaralan sa Western Visayas na nagsusulong ng Agriculture sa mga mag-aaral.
Kasama sa kanilang curriculum ang hands-on learning mula sa traditional farming hanggang sa mga advanced technique sa fisheries, livestock at business skills.
Naniniwala ang mga school official na makakatulong ito para mabawasan ang mga nagugutom at magkaroon ng panibagong henerasyon sa mga skilled farmers.
Kaugnay nito, naglaan ng P106M ang DEPED Central Office para suportahan ang DEPED Western Visayas sa farm school initiative.
Photo Courtesy: Jayobo Farm School
댓글