Ang Spoliarium ay ang pinakamahalagang pinta ni Juan Luna. May sukat na 4.22 metro x 7.675 metro, itinuturing ito bilang isa sa mga pinakamalaking painting sa Pilipinas.
Nagwagi ito ng unang gintong medalya mula sa prestihiyosong Exposicion de Bellas Artes (Madrid Art Exposition) sa Espanya noong Mayo 1884.
Nabili ng pamahalaang panlalawigan ng Barcelona (Diputación Provincial de Barcelona) ang obra noong 1885 matapos itong itampok sa Madrid, Roma at Paris.
Ibinalik ito sa Pilipinas taong 1958 bilang regalo ng Espanya sa ating bansa.
Matatagpuan ito ngayon sa National Museum of Fine Arts sa lungsod ng Maynila.
Comments