Ito ang magsisilbing Luzon Economic Corridor na magkokonekta sa Subic to Clark to Batangas to Manila.
Ayon sa Luzon Economic steering committee, ito ay oportunidad para sa karagdagang investment tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Nagpahayag na ng interes ang US, Japan at UK government sa proyektong ito.
Una nang inihayag ng DOTr na ang SCMB ay prayoridad na proyektong imprastraktura na naglalayong maging isang heavy-rail commuter at freight railway na nag-uugnay sa mga pangunahing daungan sa Luzon sa mga economic zone sa Greater Capital Region.
Kahapon, nagkaroon ng Phillippine Economic Briefing sa Maynila sa pangunguna ng NEDA, DOF, DBM, BSP at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Sa mensahe ni Finance Secretary Ralph Recto, binigyan-diin ng Kalihim ang mga stratehiya para mapanatili ang paglawak pa ng ekonomiya ng bansa.
“[O]ur growth-enhancing initiatives are meant not only to create an economy that is ready to compete with the rest of the world. These are designed to harness the talents of our young workforce and build a nation where every Filipino can thrive, secure decent jobs, and create better lives for themselves,”
-DOF Secretary Ralph Recto
Comments