Paalala sa mga Drayber at Operator ng Jeep!
Ngayong araw ang deadline ng consolidation para sa PUV Modernization Program. Dahil dyan, bukas ang tanggapan ng LTFRB ng hanggang 9pm para bigyan ng pagkakataon ang mga hindi pa nakapag consolidate ng prangkisa.
Sa ngayon, nasa 78.33% o 150,179 units na ang nakapag-consolidate sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Simula bukas, May 1 ay dadaan na sa due process ang mga hindi sumali sa consolidation.
Ayon sa LTFRB, magpapadala ng show-cause order at pagpapaliwanagin sila sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Nagpapatuloy naman ang transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA ngayong araw hanggang bukas.
Kahapon, naghain ang grupo ng supplemental petition sa Korte Suprema at muling hiniling na maglabas ng TRO laban sa PUVMP.
Comments