Disiplinado sa kalye.
Sumusunod sa batas trapiko.
Nagbibigay sa kapwa.
Hindi naghahari-harian sa daan.
Ipinapaalala ito ni PBBM sa lahat sa harap ng matinding trapiko sa daan.
Well-known at notorious sa buong mundo, ayon sa pangulo ang sitwasyon ng trapiko sa bansa.
Congested na aniya ang Metro Manila kaya ide-develop ang mga kalapit na probinsya tulad ng Bulacan, Laguna, at Cavite.
Pero humihingi ng pang-unawa ang Pangulo dahil nangangailangan ng maraming panahon para tapusin ang mga infrastracture project.
Kaugnay nito, nagtakda ng traffic summit ngayong linggo ang gobyerno para masolusyunan ang problema sa trapiko.
KAYA PA, PILIPINAS?
Comments