top of page

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

𝐂𝐋𝐀𝐑𝐊 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐎𝐎𝐃 𝐇𝐔𝐁 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓

Pumasok sa isang kasunduan ang Clark International Airport Corporation sa Singapore companies na may kasanayan sa agricultural financing, sourcing at procurement para sa ipapatayong National Food Hub.


Lumagda sa MOU ang CIAC at Food Starter Philippines, subsidiary ng Singapore-based Food Starter Pte. Ltd at World Food Chain Pte. Ltd.


Ayon kay CIAC President Arrey Perez, ang P8.5B 62-hectare Clark National Food Hub Project ay gagawing state-of-the-art agro-logistics system ng mga food hub na katulad sa mga Asian country kung saa nakasunod ito sa food safety standards na magbibigay naman ng mas magandang oportunidad sa mga local farmer, fisherfolk at grower.


Mas mabilis din ang access ng mga cargo company dahil malapit ito sa Clark Inernational Airport.


Una rito, suportado ng NEDA ang proyektong ito alinsunod sa Public Investment Program for 2023-2028.


“The partnership is the right move at the right time, as it guarantees a modernization of the national food hub, and that we’ll be able to address key challenges in its operation, maintenance, and sustainability,”


-CIAC President Arrey Perez



Photo Courtesy: CIAC







Comments


NEWS | ARTICLES

bottom of page