Ayon sa BOC-NAIA, idineklarang mahogany chips ang 2 packages ng isang taga San Juan patungong Dubai, UAE.
Subalit naglalaman pala ito ng 5.7 kilos ng agarwood na isa sa pinakamahal na klase ng puno sa mundo.
Karaniwang ginagamit ito sa paggawa ng insenso, pabango at medical products dahil sa kakaiba nitong amoy.
Ang naturang kargamento ay may paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, Forestry Reform Code of the Philippines and The Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Naiturn-over na sa DENR ang mga nakumpiskang agarwood.
Photo Courtesy: BOC
๋๊ธ