top of page

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

AGRICULTURAL TRADE AND COOPERATION NG PILIPINAS AT NORWAY, PINALALAKAS

𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍:

Nagpahayag ng interes ang Norway na mapalawak ang agricultural cooperation, trade at investment sa bansa.


Ito ang tinalakay kasunod ng isinagawang courtesy call ni Norwegian Ambassador Christian Halaas Lyster kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.


Ang Pilipinas ay may free trade agreement sa European Free Trade Association para sa mga produktong isda.


Seaweeds ang top export ng Pilipinas sa Norway.

Salmon at cheese naman ang inie-export ng Norway sa bansa.


Nago-operate din ang Yara Fertilizer company ng Norway sa Davao City.


Ayon sa Norwegian Ambassador, nakikipag-ugnayan ang kanilang kumpanya sa mga magsasaka sa Davao para lumakas ang durian products at magkaroon ng sustainable farming practices.


Ibinahagi naman ng DA Secretary ang kanyang interes sa aquaculture system ng Norway para mapalakas ang produksyon ng isda sa bansa.





Comments


NEWS | ARTICLES

bottom of page