Nangako ang Amerika ng P450M pondo para sa modernisasyon ng PCG.
Ilalaan ito sa modernisasyon para sa infrastructure, training program development, resource acquisition at management planning ng ahensya.
Inianunsyo ito ng Amerika sa ginanap na 3rd US-PHL Maritime Dialogue kung saan tinalakay ang mas malalim na maritime cooperation sa West Philippine Sea at matugunan ang mga hamon sa naturang rehiyon.
Pinag-usapan din ang operational capabilities ng PCG, paglaban sa climate change, illegal, unreported at unregulated fishing.
Comments