𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍:
Planong mamuhunan sa bansa ang Dubai-based logistic firm na DP World at Abu Dhabi based clean energy company na Masdar.
Ayon sa DTI, pinapalawak ng DP World ang ports development sa bansa. Bukod pa ito sa kasalukuyang proyekto nila kasama ang Asian Terminal Incorporated sa Tanza, Cavite.
Ang Masdar Company, planong mag-invest ng P600M sa bansa partikular sa solar, wind energy at battery.
Ayon sa DTI, tumitingin ang kumpanya ng 50-hectare property para sa RE development sa bansa.
Comments