Nais ipabatid ng gobyerno sa buong mundo na ang Pilipinas ay bukas sa turismo at negosyo.
Sa mensahe ni PBBM sa pagbubukas ng Solaire Resort North sa Quezon City, muling binigyang-diin ng Pangulo ang pangakong maging premier destination ang Pilipinas sa turismo, relaxation, at entertainment na nakaangkla sa Bagong Pilipinas.
Pagkatapos ng Covid-19 pandemic, naitala ang 5.45M turista noong 2023, higit na doble sa 2.65M noong 2022.
Tiwala ang Pangulo na ang pagbubukas ng bagong Solaire brand ay magdadala ito ng magandang imahe sa buong mundo.
"So as we open the doors of Solaire Resort North, let us open the arms to the world, inviting them to experience the warmth and beauty of our country and Solaire Resort North will certainly play a very, very big part in that. Let us show them that we are ready to embrace the opportunities they offer to us and I am confident the world is also ready to embrace us back,"
“It is the government’s mission to let the entire world know that the Philippines is open for tourism and business”
-President Ferdinand Marcos Jr.
Ang naturang gaming industry ay nagbigay din ng 100,000 trabaho noong 2019 mula sa casino operations, hotels, retail centers, movie theaters at dining establishments.
Ang mga kita ng gobyerno rito ay nagagamit para pondohan ang Philhealth, Philippine Sports Commission at Dangerous Drugs Board.
Ang Solaire Resort North ay may $1B investment, ayon sa Bloomberry Resorts Corporation Chair and CEO Enrique Razon Jr.
Comentarios