𝐊𝐀𝐒𝐀𝐘𝐒𝐀𝐘𝐀𝐍:
Iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite sa balkonahe ng bahay ni Heneral Emilio Aguinaldo nang ideklara niya ang Kalayaan ng Pilipinas nong June 12, 1898.
Ang PUTI ay simbolo ng kalinisan.
Ang ASUL ay kapayapaan at pagkakaisa.
Ang PULA ay katapangan.
Ang hugis TATSULOK ay nagpapahiwatig ng pagkapantay-pantay.
Ang ARAW naman ay ang malaking hakbang na ginawa ng mga Pilipino upang makamit ang daan patungo sa kaunlaran.
Ang 8 SINAG ay ang Manila, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Batangas, Laguna, Cavite at Nueva Ecija. Ito ay ang 8 probinsya na unang nag-aklas laban sa Espanya.
Ang 3 BITUIN ay ang Luzon, Visayas at ang Mindanao na mga pangunahing pulo sa Pilpinas.
Isang Malaya at Bagong Pilipinas sa ating lahat!
Comments