𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍:
Isa ka ba sa nag-iinvest sa eToro?
Napaulat na mawawala na ang kanilang mga ino-offer sa mga gumagamit ng eToro na naka-base sa Pilipinas kabilang ang cryptowallet.
Sa abiso umano ng eToro, hanggang December 8, 2024 isasarado ang lahat ng open investments at withdraw funds.
Simula December 1, ititigil na ang coin transfer.
Sa December 15, hindi na ma-access ang crypto wallet.
Sa February 7, 2025, mawawala na ang lahat ng accounts ng eToro.
Hindi umano sinabi ang dahilan ng pagpull-out ng eToro sa bansa pero sa panig ng SEC, nag-issue ang Komisyon ng advisory noong March 19, 2024 kung saan ipinaliwanag na hindi otorisado na magbenta o mag-alok ng anumang uri o securities sa publiko.
Sa pahayag ng SEC, hindi rehistrado bilang korporasyon ang eToro at nago-operate nang walang kaukulang lisensya sa bansa.
Comentários