Itinigil ng LTO ang registration ng mga E-bike at E-tricycle kasunod ng direktibang ibinaba ng DOTr.
Sa AO ng Kagawaran, nakasaad na ang mga hindi rehistradong light electric vehicle na dumaraan sa pampublikong lansangan ay iimpound o huhulihin.
Apektado rin sa direktiba ang otoridad ng MMDA at LGUs na mag-issue ng regulation sa e-vehicles.
Sakop din nito ang mandatory use ng helmet.
Ang hakbang na ito ay nakapaloob sa Electric Vehicle Industry Development Act.
Sa ngayon, wala munang ipinapataw na parusa sa mga may paglabag kasunod ng utos ni PBBM na bigyan pa ng panahon ang mga may e-vehicle na magparehistro.
Comments