๐๐๐๐๐๐๐:
Ang maging prime investment hub ang Pilipinas ang isinusulong ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE ACT.
Mas paiigtingin ang ease of doing business kung saan sisimplehan at lilimitahan ang proseso at compliance requirements.
Mas lilinawin ang VAT rules kaugnay sa VAT incentives para makahikayat at mabigyan ng oportunidad ang mas maraming investors at negosyante.
Nitong unang tatlong quarter ng 2024, lumago sa 5.8% ang Gross Domestic Product ng bansa.
ใณใกใณใ