top of page

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

PETISYON NA IBALIK SA 35% TARIFF SA IMPORTED RICE, INIHAIN SA TARIFF COMMISSION

𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍:

Nakatulong ba sa pagbaba ng presyo ng bigas ang ibinabang 15% tariff sa mga imported na bigas?


Para sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG, bigo ang EO 62 ni PBBM na nag-aatas ng lowered tariff sa imported rice.


Kaya hiniling ng grupo sa Tariff Commission na ibalik sa original tariff rate na 35% sa ASEAN countries habang 50% naman sa non-ASEAN countries.


Inihayag din ng grupo na sa report umano ng House Quinta Committee, kumita ng P13B ang mga importer at trader.


Sa datos din ng PSA, pumalo sa P55.30/kilo noong December2024 kahit P11/kilo ang landed price ng imported rice.


Inatasan ngayon ng Office of the President ang NEDA at DTI na gumawa ng rekomendasyon kaugnay sa hiling ng SINAG.


Isa pang hakbang ng DA, nagpatupad ng maximum SRP sa bigas. Nagdeklara rin ng food security emergency na layon ding maibenta ang mga stock ng NFA rice para mabili rin ang mg bagong palay ngayong anihan.


Subalit, umaaray pa rin ang publiko sa mataas na presyo ng bigas.


PILIPINAS, KAYA PA?





Comments


NEWS | ARTICLES

Contact us
Follow us

© 2022 by Bansang Busog ang Mamamayan Movement

bottom of page