top of page

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

PILIPINAS, HANDA NA BA SA AI?

𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍:

Paggamit ng Artificial Intelligence sa trabaho sa halip na tao ang nagtatrabaho.

Ito ang hamon ngayon sa sektor ng mga manggagawa sa mundo.


Nangunguna ang paggamit ng AI sa Amerika, China, United Kingdom at iba pang mauunland na bansa.


Ang Pilipinas, handa na ba itong gawin?


Hinimok ng Employers Confederation of the Philippines o ECOP ang kanilang miyembro na panatilihin ang AI-driven technology at ipagpatuloy pa rin ang reskill at upskill sa mga manggagawa para sa pagsuporta sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.


Sa ginanap na 45th National Conference of Employers, binigyan-pansin ang mga benepisyo at hamon sa mga bagong teknolohiya tulad ng AI.


“Employers should now be embracing digital transformation and preparing the workplace for the future,” Ortiz-Luis said.


“Digital literacy, access to tools and resources necessary for automation, and resilience are key in building the capacity of an enterprise to generate employment that matches the demands of the new world of work,”


-ECOP President Sergio Ortiz-Luis Jr.


Ayon pa kay Ortiz-Luiz, kailangang magkasamang magtrabaho ang mga trabahador at makina o equipment na nangangailangan din ng training at education programs.


Education, policy at innovation ang dapat mabigyan ng pansin sa hanay ng mga employer at employee ng kumpanya.





Comments


NEWS | ARTICLES

bottom of page