top of page

BANSANG BUSOG ANG MAMAMAYAN DAHIL SAGANANG AGRIKULTURA RAMDAM SA ATIN

PILIPINAS, NANAWAGAN NG SUPORTA PARA MAKAKUHA NG PWESTO SA UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐍:

Suportado ng isang mambabatas ang ikinakampanya ng gobyerno na makakuha ng pwesto sa United Nations Security Council.


Sa pahayag ni Representative Jonathan Keith Flores, mabibigyan ng boses at kapangyarihan ang Pilipinas na protektahan hindi lang ang pambansang seguridad kundi ang maging “peacemaker” sa Western Pacific Region kabilang ang Taiwan, Japan, South Korea, Southeast Asia at Pacific Island nations and territories.


Mariing kinondena ni Flores ang military drills ng China sa Taiwan na aniya’y nakakaapekto din sa seguridad ng mga Pilipino doon.


Tulad din ng mga mararahas na aksyon ng China sa West Philippine Sea at ito ay hindi naaayon sa International Law.


Kung mabibigyan ng pwesto ang Pilipinas sa UNSC, isusulong ng bansa ang mapayapang paraan sa harap ng mga geopolitical tension sa Western Pacific.

Sa June 2026 ang eleksyon para sa UNSC 2027-2028.


Taong 1957, 1963, 1980-1981 at 2004-2005 huling nahalal ang Pilipinas bilang non-permanent member sa UNSC.


Una nang inihayag ng DFA na napakahalagang makakuha ng pwesto ang Pilipinas sa UNSC.


“We have interests in the rule of law and international law, maintaining peace and stability,”

“We have millions of Filipinos overseas and we need the world to continue living and aspiring for goals for which the UN was created,”


-DFA USEC Eduardo de Vega


May 15 members ang UNSC. Kabilang sa 5 permanent members nito ay ang China, France, Russian Federation, United Kingdom at Unites States.






Comments


NEWS | ARTICLES

bottom of page