Nakapag-import ang Pilipinas ng 2.47 million metric tons ng bigas mula Vietnam. Ayon sa Hanoi-based Ministry of Agriculture and Rural Development, nagkakahalaga ito ng nasa $1.14 billion.
Batay sa ulat, Pilipinas ang pinakamalaking importer ng Vietnamese rice mula January-September 2022. Mas mataas ito kumpara sa 2.4 million MT noong 2021.
Sa kabuuan, nasa 43.9% ang nai-export ng Vietnam sa bansa, 35.3% sa volume at 22.2% sa value simula pa noong nakaraang taon. Kasunod ng Vietnam ay Myanmar at Thailand ang pinanggagalingan ng mga imported rice sa bansa.
Comments