Tumulong ang kapulisan sa pangunguna ng Albay Police Provincial Office at Daraga MPS sa pag-ani ng mga pananim ng mga magsasaka na nasa loob ng ipinagbabawal na lugar sa 6km Permanent Danger Zone.
Ginawa ang pag aani ng mga natitirang pananim sa Brgy. Matnog ng Daraga para tuluyang mapakinabangan, ayon na rin sa direktiba ng Provincial Government kasama ng Department of Agriculture at para maipamahagi sa mga evacuation center para dagdag tulong sa mga mamamayang apektado ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.
-Bing Alerta, Bicol BBM Correspondent
![](https://static.wixstatic.com/media/b44277_89e5fe9395ff4f68a2cfe9964b4f2c73~mv2.png/v1/fill/w_980,h_980,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/b44277_89e5fe9395ff4f68a2cfe9964b4f2c73~mv2.png)
Commenti