Sa halip na P10K, nasa P1500 lamang ang ibinigay ng barangay sa isang residente ng Barangay Sinawilan, Matanao, Davao del Sur.
Ang P10K ay ayuda mula kay PBBM sa mga apektado ng El Niño.
"Hindi kayo obligado na magbigay kahit kanino, para sa inyo 'yang ayuda na yan. Mag-report agad kayo katulad ng ginawa nitong biktima"
-DSWD Sec. Rex Gatchalian
Kasunod ng insidenteng ito ang babala ng DSWD sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na wala silang karapatan na samantalahin ang ibinibigay ng pamahalaan na benepisyo para sa mga mahihirap.
Comments