𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍
Posible bang maging bagyo ang LPA?
Ayon sa PAGASA, mababa ang tsansa na maging bagyo ang LPA na nasa loob ng PAR at inaasahang malulusaw ito ngayong araw.
Gayunman, nagpapaulan ito sa Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao Del Norte at Agusan Del Norte.
Sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila ay makakaranas pa rin ng mainit na panahon hanggang tanghali pero may tsansa ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Comentarios