𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍
Asahan nang mas mapapadalas ang mga pag-ulan dahil panahon na ng tag-ulan. Wala namang namomonitor na sama ng panahon sa labas ng PAR habang ang humagupit na Bagyong Aghon ay nasa labas na ng bansa.
Hanging Habagat ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa at posibleng magdudulot ng mga pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
Asahan pa rin naman ang mainit na tanghali pero may thunderstorms sa hapon o gabi sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Huwag kalimutang magdala ng payong o kapote na pananggalang sa ulan!
Comments